Thursday, October 16, 2008

eto ako eh

hanep naman. first entry ko ito. kaya lang may problema. para kasing hindi ko pa makapa ang utak ko. hindi naman nawawala o nalaglag at napunta sa kung saan.

basta hindi ko lang makapa.

random thoughts eh. para bang sapot ng gagamba - umiikot na nag i intersect. parang intersection na may pundidong traffic light kaya rambol ng sasakyan ang nangyayari sa four corners.

ano ba talaga ang asa isip ko now? eto. nakatingin sa lata ng mountain dew na galing freezer kaya ang sarap tunggain. wala namang sound sa paligid ko except tunog ng aircon. napatingin ako sa kama ko - yung apat na unan na gamit ko nakakalat at yung kumot nakabalagbag. 2 days ko na atang hindi tinutupi yun.

isip. isip. isip. mas matimbang ang tawag ng yosi sa ngayon pero mamaya na. wala pang 1 hr ang pagitan since last akong nagbuga ng usok. yoko namang makinig ng radyo. yoko ring manood ng tv.

ah...

pero hindi eh.

bigla lang pumasok pero dumaan lang talaga.

???